January 18, 2025

DMW SA MGA PINOY: MAG-INGAT SA ONLINE JOB OFFERS

NAGBABALA ang Department of Migrant Workers (DMW) nitong Biyernes sa mga Filipino na mag-ingat sa overseas job offers ng illegal recruiter at sindikato sa social media.

Kasabay nito ang pagtanggal ng ahensiya sa mahigit 30,000 illegal job na ipinost sa Facebook at TikTok.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nakipag-ugnayan sila sa Meta Philippines at TikTok Philippines upang ipa-deactivate ang mga pekeng job posts at accounts noong nakaraang taon na sangkot umano sa illegal recruitment.

As we find them, we take them down. Every illegal recruitment post we see online, we immediately report and coordinate with Facebook and TikTok for the deactivation of those accounts,” giit niya.

Ipinaliwanag ni Cacdac na ang mga illegal recruiter na ito ay nagpapanggap bilang mga lehitimong ahensiya upang makapanghikayat ng mga mabibiktima sa pamamagitan ng panggagaya sa official Facebook pages ng DMW-licensed recruitment firms.

“There were duplications of accounts and pages of legitimate recruitment agencies on Facebook. We had a meeting with these agencies, and Facebook agreed to take down all these copycat sites,” saad niya.

Sa isang pahayag, sinabi ng departamento na nakikipagtulungan ito sa mga ahensya ng gobyerno, mga lokal na yunit ng gobyerno, at iba pang mga partner upang “bigyang kapangyarihan ang mga OFW at mga magiging OFW.”

Pinagtibay din ng DMW ang panawagan nito sa mga aplikanteng Pilipino na maging maingat sa mga alok ng trabaho online.

“Filipino overseas job seekers are encouraged to be more cautious against dubious job offers on social media and always verify the legitimacy of their preferred agencies to avoid falling victim to internet-related modus operandi of these illegal recruiters,” saad nito.