January 23, 2025

DLSU GREEN ARCHERS, PINALAKAS SA PAGKAKADAGDAG NG PHILLIPS BROTHERS

Bilang paghahanda sa UAAP season 83, pilakas ng De La Salle Green Archers ang kanilang rosters sa pagkadagdag sa magkapatid na Benjamin at Michael Phillips.

Kapwa may taas na 6’8, ikinagalak ni Green Archers head coach Derrick Pumaren ang pagkakalambat sa serbisyo ng magkapatid na Fil-Americans.Bukod sa dalawa, may ilang Fil-Ams din ang nasa line-up ng La Salle gaya nina Brandon Bates, Justine Baltazar at Amadou Ndiaye.

“Michael will be a big addition along with his brother Benjamin to our frontline line-up. They bring a lot of energy, passion, intensity, and hustle,” pahayag ni coach Pumaren.

“They always go for the rebound and make sure to keep the ball alive,” aniya.

Ang 18-anyos na si Michael, isang freshman na nagtapos sa Creekside High School— ay nakapagtala ng 12.9 points, 11.2 rebounds, 1.7 assists, 1.6 steals at 1.4 blocks sa  19 games sa Knights noong  naglalaro ito noong senior year.

Samantala, noong gumradweyt si Benjamin sa Fairfield High School noong 2017, pumasok siya sa Miami University pagkatapos na makakuha ng academic scholarship.

Nitong nakaraang taon, naglabas ng aklat ang 21-anyos na si Benjamin na may pamagat na ‘Lone Wolf Mentality: A Millennial Mindset’; at sa naturang taon din siya nag-enrolled sa La Salle.

 “They are still projects in process with a huge upside, and in God’s time will be a force in the UAAP,” saad pa ni Pumaren.