Balak ni tennis superstar Novak Djokovic na idemanda ang Australia dahil sa kahihiyang inabot niya doon. Katunayan, kausap niya ang kanyang lawyers upang isagawa ito.
Kahit na may visa exemption, ipina-deport siya bago ang Australian Open. Kaya, pinagbabayad niya ang bansa ng £3.2million damage sa “ill treatment”.
Si Djokovic, 34-anyos ay unvaccinated ay napahiya sa Australia ang magtungo siya roon para sa tennis tiff.
Sabi ng source na malapit sa kanyang agent, hindi naging maganda ang pagtrato kay Djokovic. Pati na rin ang sa pamilya nito noong nasa quarantine hotel sila sa Melbourne.
“His mother revealed how it was full of fleas and maggots.He was subjected to humiliating treatment. He should sue,” saad ng lawyer na si Toma Fila.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2