November 5, 2024

DJ Mo sa mga 50-anyos na boboto kay BBM:  “P*t*n* ina mo!”

Binanatan ni Mohan Gumatay o mas kilala bilang DJ Mo Twister ang mga matatanda na boboto pa rin kay presidential candidate Bongbong Marcos.

Sa kanyang tweet, pinagmumura ni Mo ang mga 50 anyos pataas na Pilipino na pipiliin parin si Marcos bilang Pangulo, habang kinuwestiyon naman niya ang talino ng mga nasa 40’s habang tinawag naman nitong kahihiyan sa pamilya ang mga 18-35 ang edad na boboto sa dating senador.

“If you’re 50 years old and over and you’re voting for Marcos, p*t*ngina mo. If you’re in your 40’s, maybe your memory is bad — t*nga mo. If you’re 18-35yrs, your school and family failed you. You should learn to read. Shame.” ani Mo.

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na batikusin si Mo dahil sa pagmumura nito sa mga taong iboboto si Marcos.

Ang ilan ay tinanong pa kung ano ang ambag ni Mo sa bansa lalo na’t isang dekada na itong naninirahan sa ibang bansa.

Ngunit pumalag naman ito at sinabi na hindi naman siya tumatakbong presidente.

“Like BBM, I have done nothing significant for the country. Unlike BBM, I haven’t stolen significantly from the country either. And I’m not running for President!” tugon ng DJ.

Ipinakita rin ni Mo ang suporta niya kay VP Leni Robredo.

“Stop saying #Kakampink. SAY HER NAME. Say her name every single time. You want to address her fan base? SAY HER NAME. I said it months ago – enough with riding on colors. Say LENI’s name, say ROBREDO, every chance you get.” sabi ni Mo.

Nakilala si Mo sa kanyang mga radio program na hindi angkop para sa mga kabataan.