September 28, 2024

DJ LOONYO, NAWALA SA EKSENA SA ‘EAT BULAGA’ (Pagbabalik ni ‘Pambansang Bae’)

MARAMI ang nagtatanong kung bakit daw nawala sa eksena si DJ Loonyo, kasabay ng pagbabalik ni Alden Richards?

Sa totoo lang mas marami ang nanabik sa pagbabalik ng Pambasang Bae na si Alden sa ‘Eat Bulaga’.

Kung pasikatan din lang ang pag-uusapan, hindi rin kayang pataubin ni DJ ang kasikatang tinatamasa sa ngayon ni Alden Richards.

At ang pababalik kaya ni Alden ang naging dahilan kung bakit nawala ang viral sensation na si DJ? Tulad ni Alden ay marami rin namang followers si DJ Loonyo.

Nagtataka rin kami nang magkaroon ng pakulo ang Eat Bulaga ng dance contest na Social DisDancing, bakit daw hindi siya ang nagtuturo? Pinalitan siya ng isang Isang DJ Austin, siya ang tumayong nagtuturo ng sayaw sa Dabarkads at Team Bahay.

Iniwan na ba ni DJ, ang ‘Eat Bulaga’? Nagbalik na kaya ito sa China na kung saan doon siya nagtuturo? O tinanggal na siya sa EB, dahil malamya ang dating ng kanyang mga followers sa atin.

Malaking tanong ang biglang pagkawala ni DJ, at siya namang pagpasok ni Alden Richards sa ‘EB.’

Na insecure ba si DJ Loonyo? O baka hindi na siya kailangan pa ng ‘Eat Bulaga’ dahil para sa kanila ay hindi nahigitan ni DJ ang present ni Alden Richards?