December 26, 2024

DITO BINIGYAN NI DUTERTE NG 25 TAONG PRANGKISA

GINAWARAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DITO Telecommunity ng panibagong 25-years franchise, ang ikatlong telco na hahamon sa duoply ng Smart at Globe.



Nilagdaan ni Duterte ang Republic Act No. 11537 na  nagre-renew sa prangkisa ng DITO – na noon ay kilala bilang Mindanao Islamic Telecommunications Company Inc.

Pinirmahan ang panibagong prangkisa isang araw matapos ilunsad ang DITO sa Metro Manila na may P199 promo.

Sa isang joint venture sa pagitan ng China Telecom at ng businessman na si Dennis Uy, sinimulan ng DITO ang commercial operations noong Marso 8, 2021 — na unang inilunsad sa Cebu at Davao.

Sa unang taon nito, nangako ang DITO

Sa unang taon, nangako ang iko-cover ng DITO ang 37.03% ng populasyon na may minimum speed na 27 megabits per second (Mbps).

Nangako rin na magkakaloob ng 55  mbps minimum average internet speed sa 84% ng populasyon sa loob ng limang taon.