Kumusta mga Cabalen? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Samut sari ang disqualification case ang ikinakasa kay Presidential aspirant Bongbong Marcos.
Bagama’t tinalakay na natin sa mga nagdaang isyu ng pitak na ito ang tungkol dito. Pero, uulitin natin uli para maliwanagan ang taumbayan.
Ika nga natin, mababasura lang ang petition cases laban kay BBM. Malabnaw at mababaw kasi ang bases ng mga nag-aakusa. Ang kukulit. IKa nga ng isang law expert, qualified tumakbo sa posisyon si BBM. Ang petisyon moves para ipakansela ang kanyang COC ay walang basehan. Malabo pa aniya sa sabaw ng pusit.
Yan ang turan ni Atty. Emmanuel Samonte Tipon, isang abogado na nakabase ngayon sa US. Dekano rin siya sa Northwestern University College of Law. Aniya, nakatalima si BBM sa lahat ng requirement na kailangan. Nasunod nito ang nakasaad sa Article VII, Section 2 ng 1987 Constitution.
Karagdagan pang tinuran niya ang Section 12 ng Omnibus Election Code (OEC) of the Philippines.
“Any person who has … been sentenced . . .for a crime involving moral turpitude, shall be disqualified to be a candidate and to hold any office,” ay hindi umaayon sa 1987 Constitution.
Kaya, hindi aniya nito sakop ang “eligibility requirement” para sa pagka-pangulo. Pagdidiin niya, hindi pwedeng madiskwalipika si Marcos batay sa Section 12 ng (OEC). Lihis aniya ito sa siste na utos ng korte. Na pagmultahin ito sa hindi pagpa-file ng income tax returns. Hindi rin ito isang ng krimen na may “moral turpitude.”
Kaya, dun sa nag-e-effort na mapa-disqualiied si BBM, sad to say. Sorry ninyong lahat.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino