December 24, 2024

DIPLOMATIC STRATEGY PANAWAGAN NI CHIZ SA DFA

Nagpahayag na pagkabahala si Senate President Francis “Chiz” G. Escudero sa tumitinding tensiyon sa West Philippine Sea, partikular sa Ayungin Shoal, kasabay ng panawagan para sa komprehensibong pag-uulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang matugunan ang lumalalang tensyon doon.

“The escalation of tensions in the West Philippine Sea is alarming, and the Senate will be seeking a full briefing from the DFA on the latest incident, as well as the efforts being undertaken to address this,” pahayag ni Escudero.

Ayon sa Senate chief, kailangang magkaroon ng proactive approach mula sa DFA higit sa paghahain ng diplomatic approach kasabay ng panawagan na magkaroon ng makabuluhang pakikipag-usap sa Beijing para mapigilan ang paglala ng tensyon sa WPS.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga karapatan at pribilehiyo ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo habang sinisiyasat ang lahat ng posibleng diplomatikong paraan.

“In the meantime, the DFA should go beyond the filing of diplomatic protests each time an incident occurs, and must explore every means to conduct a meaningful dialogue with their counterparts from Beijing with the end in view of avoiding further escalation, without giving up any of our rights and privileges in our claimed territory vis-a-vis theirs,” sabi ni Escudero.

Bukod sa mga diplomatikong pagsisikap, nanawagan si Escudero sa Armed Forces of the Philippines na maghanap ng mga makabagong paraan upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghatid ng suplay sa mga tropa na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“As our diplomats work to advance our interests, I urge our Armed Forces to explore alternative methods to deliver provisions to the Sierra Madre in Ayungin Shoal so that our troops are properly resupplied while minimizing the risks and achieving our desired objectives,” ani Escudero.

Ginawa ng Senate President ang pahayag sa gitna ng tumataas na tensyon sa WPS kung saan ang paulit-ulit na insidente ay naghatid ng alalahanin kaugnay ng kaligtasan at soberenya sa inaangking teritoryo ng Pilipinas.

Noong nagdaang Miyerkoles, kinondena ang DFA ang “iligal at agresibong aksyon” ng Chinese Coast Guard malapit sa Ayungin Shoal noong Enero 17, na nagresulta sa malubhang pagkasugat ng isang Philippine Navy personnel at pagkasira ng sinasakyan nilang barko.