November 18, 2024

DIOKNO PAPALITAN NI SALCEDA, FAKE NEWS – PBBM

“Fake news”

Ganito inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kumakalat na balita na papalitan si Finance Secretary Benjamin Diokno sa kanyang puwesto.

“I don’t know where it comes from. Why would I do that? We’ve assembled a great team. At saka (And), we’re trying to go down a certain direction. It’s the wrong — it’s a very, very poor time to, as I say, change horses in midstream,” saad niya sa isang brief interview matapos ang kanyang talumpati sa 49th founding anniversary ng Career Executive Service Board sa Pasay City.

Itinanggi naman ni Diokno ang kumalat na tsismis, at hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga ito.


Ayon sa Cabinet officials, nanatili ang magandang relasyon niya kay Marcos na nag-appoint sa kanya noong Marso, kung saan idinagdag nito na kaibigan niya si Rep. Joey Salceda – na nababalitang papalit sa kanya.

Una nang itinanggi ni Salceda ang kumakalat na balita at ikinokonsidera niya na “pointless speculation” para palitan si Diokno.

“Do not covet thy neighbor’s job. In past administrations, as in the present, I was able to move fiscal policy from my seat in Congress,”  saad niya.

“Sec. Ben is a good friend and as long as he’s SOF, I will work closely with him.”