November 5, 2024

DIOKNO, CALIDA HIGHEST PAID SA GOBYERNO

Nanguna si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno na may pinakamataas na natanggap na suweldo at allowance noong nakaraang taon kung saan nagsimula ang pandemya, ayon sa Commission on Audit.



Mas malaki ang nakubra ni Diokno kung ihahambing sa kanyang pinalitan na si yumaong si Nestor Espennila Jr. at Amando Tetangco  Jr.

Bakit mas malaki ang suweldo ng Bangko Sentral Governor? Dahil ang kanilang sahod ay hindi saklaw ng batas, ayon kay Elyzabeth Cureg, public administration professor ng University of the Philippines.

“These institutions which top the list have their own compensation systems. Basically, hindi sila sakop ng Salary Standardization Law na applicable to the rest of government employees and officials,” saad ni Cureg.

Ang Report on Salaries and Allowances o ROSA ay isang annual report hinggil sa kabuuang natatanggap ng mga opisyal sa government owned or controlled corporations; national government agencies; at state universities and colleges, at iba pang ahensiya ng gobyerno, ayon sa COA.

Mula sa ikatlong puwesto noong 2019, si Diokno na ang number one sa total income nitong P19.79 milyon, base sa inilabas na 2020 ROSA nitong Miyerkoles.

Tumaas ng P4 milyon ang kita ni Diokno mula sa ₱15.45 milyon noong 2019.

Nasa ikalawang puwesto naman si Solicitor General Jose Calida sa kinita nitong ₱15.65 milyon, pero mas mababa ito kumpara sa kinita niyang ₱16.95 milyon noong 2019.

Ang iba pang nasa top 10 ay sina UCPB Executive Vice President Eulogio Catabran III, ₱15.46M; GSIS President and General Manager Rolando Macasaet, ₱15.25M; Supreme Court Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, ₱15.20M; BSP Deputy Governor Maria Almasara Tuaño-Amador, ₱15.15M;ex Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, ₱14.52M; BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier, ₱14.34M; dating UCPB Pres. at CEO Higinio Macadaeg Jr., ₱13.22M at BSP Senior Asst. Governor Dahlia Luna,₱12.63M.