December 26, 2024

Dinedma raw ng mga younger genaration stars… SEN. ROBIN PADILLA, ISINUSULONG ANG EDDIE GARCIA BILL

NAKAKALUNGKOT dahil iyong Eddie Garcia Bill na isinusulong ni Robin Padilla, ay hindi talaga sinuportahan ng mga kabataang sikat na mga artista. Ang mga tumugon lamang ay ang Padilla Clan, Gutierrez family, Revilla-Bautista family. Kung kailan pasado na ang bill, doon naman sila hindi nagpakita. Maganda ang layunin ng Eddie Garcia bill, naglalayong makapag bigay sa mga manggagawa sa showbiz industry ng mga oportunidad na magkaroon ng disenteng trabaho, kita at maprotektahan sila sa mga pang-aabuso, harassment, hazardous working conditions and economic exploitation.

 “Kahit hindi busy ang mga younger generations na mga artista ay mukhang , hindi naman sila intresado. Sayang kung hindi nila ito susuportahan, dahil laking tulong ito sa bill na na maipasa na. Bakit ayaw nila itong suportahan gayung laking tulong naman ang Eddie Garcia Bill sa mga maliliit na manggagawa?

 “Naipasa na ang bill na ito sa Kongreso sa pangunguna ng former child star ng Pangasinan District 4 representative na si Toff De Venecia, siya ang nanguna at ipinaglaban ang bill na Eddie Garcia Bill. At sinuportahan at talagang itinaguyod ito ni Sen. Robin Padilla, pero mukhang sila-sila lang ang tunay na may suporta sa nasabing bill,” pahayag pa ng aking source.