November 24, 2024

DILG: Walang alak, sigarilyo sa community pantry


IPINAGBABAWAL ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamamahagi ng alak at sigarilyo sa community pantries sa ilalim ng panibagong guidlines.



Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, bagama’t hindi hinihingan ng ahensiya ng permit ang mga pantry organizer, kailangan nitong limitahan ang mga maari at hindi puwedeng ipamigay sa publiko.

Yung ipinagbabawal natin ang mga bagay-bagay na ilegal katulad ng mga alcoholic beverages at cigarettes,” saad ni Año sa isang virtual briefing. . “Hindi ‘yan maganda sa kalusugan so hindi natin papayagang maisama yan dito sa community pantry.”

May natanggap kasi silang mga ulat na isang community pantry sa Antipolo ang nag-aalok ng soju, isang nakalalasing na inumin mula sa South Korea.

Aatasan ng DILG ang mga LGU na alamin kung saan pupuwedeng itayo ang mga community pantry upang matiyak na mas malapit ito sa mga residente na nangangailangan ng tulong. Nagkalat na ang mga pantry sa buong bansa sa loob lamang ng ilang araw sa pag-asang mabigyan ng pagkain at iba pang pangangailangan ang mga taong apektado ng COVID-19 pandemic.


Samantala, binalaan din ni Año na kanyang ipasasara ang mga community pantry na hindi magpapatupad ng social distancing at iba pang health protocols habang namamahagi ng mga goods.

“We will require the close coordination between the organizer and the LGU because I don’t think the organizer will be able to implement the health standards if people started to consolidate and converge,”  aniya.