November 1, 2024

DILG SEC. ANO MALAKI ANG TIWALA KAY GENERAL ELEAZAR BILANG PNP CHIEF!

Marami ang natuwa at nagbunyi sa telebisyon, radyo, diyaryo at maging sa social media nang pormal ng i-anunsiyo ng Malakanyang sa pamamagitan ni spokesperson Harry Roque, na pinirmahan na at aprubado na ang appointment at bagong posisyon ni PLtGen. Guillermo Lorenzo Eleazar, bilang bagong PNP Chief kapalit ni out-going PNP Chief PDir Gen. Debold Sinas na nakatakdang magretiro ngayon araw ng Sabado May 8, 2021.

At alam niyo ba na isa sa naging factor at bentahe sa promotion ni Eleazar ay ang ginawang single endorsement dito ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año? Well we said na hindi ito nagkamali sa kaniyang pag-e-endorso.

Sa isang pahayag na lumabas nitong araw ng huwebes sinabi ni Sec. Ano na kaniyang kinikilala ang pagkaka-luklok sa puwesto ni Eleazar, sa isa sa napakaimportanteng posisyon sa gobyerno ang pangunahan ang Philippine National Police (PNP), sinabi din ng kalihim na kanyang pinasasalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagpabor nito sa kaniyang rekomendasyon sa pamamagitan ng isang resolusyon na isinagawa ng National Police Commission o Napolcom ay kanilang pinirmahan ang endorsement letter para kay Eleazar.

 Ayon pa kay Ano, ay pinagbasehan nila ang karakter ng susunod na PNP Chief ay ang kanyang senority, merit, service reputation and competence to lead para mamuno sa hanay ng  PNP at ipinakita din aniya nito ang kagalingan ng kanyang abilidad, integridad at pagiging isang mahusay at propesyunal sa paghawak ng iba’t-ibang posisyon sa loob ng  orgnisasyon ng pambansang pulisya tulad na lamang ng paghawak ni Eleazar bilang unang commander ng Joint Task Force Covid- Shield at bilang Deputy Chief, PNP for Administration.

Dagdag pa ng kalihim na inaasahan niya sa bagong mau-upong hepe ng PNP na pamunoan ito ng may mataas na kalidad ng pagseserbisyo at pagtatanggol sa mamamayan at pa-i-igtingin ang ipinapatupad na quarantine health protocols at minimum health standards at itataguyod ang pagpapatupad ng utos at batas lalo na ngayon panahon ng pagsubok dahil sa dala ng pandemyang Covid-19.

Pasasalamat naman ang tugon ni Eleazar sa pagkaka-apoint sa kanya ni Pangulong Duterte at ni Secretary Ano at sinabi pa nito na kaniyang buong pusong tinatanggap ang hamon na pamunoan ang 220,000 puwersa ng kapulisan upang maglingkod ng tapat at upang ipatupad ang batas gayun din ang proteksyunan ang publiko at higit sa lahat ay pinasalamatan din nito ang Poong Maykapal para sa pambihira umanong pagkakataon na ibinigay sa kanya para pagsilbihan ang ating mga kababayan. Sundan natin ang anim na buwan paglilingkod ni Eleazar sa PNP bilang kanilang ama ng organisasyon at suportahan ang kaniyang mga gagawin plano upang mapataas ang kalidad at moral ng bawat kapulisan na may pangakong “To Serve and Protect”  hanggang sa muli.