
Bagsak sa selda ang isang manyakis na lalaki na wanted sa kaso ng qualified rape nang malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City, Martes ng umaga.
Sa ulat, ikinasa ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD), katuwang ang Northern District Intelligence Team – Regional Intelligence Unit NCR (NDIT-RIU NCR) ang manhunt laban sa 37-anyos na akusado.
Ang akusado ay kabilang sa listahan ng mga Most Wanted Persons ng DILG na may inilaang pabuyang P150,000 para sa kanyang pagkakadakip.
Dakong alas-6:30 ng umaga nang masakote ng pinagsamang mga operatiba ng DSOU at NDIT-RIU NCR ang akusado sa Package 2, Block 7, Bagong Silang, Barangay 176.
Dinakip ang akusado ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng Qualified Rape at isang bilang ng Attempted Qualified Rape na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Briones, ng Family Court, Branch 1, Caloocan City.
Walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa dalawang Qualified Rape habang may inilaang piyansa na P120,000.00 para sa Attempted Qualified Rape.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE