NAKAHANDA si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumayong abogado ng anak na si Vice President Sara Duterte sa sandaling umabot sa Senado ang impeachment case na inihain sa Kamara.
Sa isang pahayag, tiniyak din ni Vice President Duterte na kanyang haharapin ang reklamong naglalayong patalsikin siya sa pwesto.
Kapwa abogado ang mag-amang Duterte.
Para sa batang Duterte, wala siyang nilabag na batas kaugnay sa tatlong impeachment complaints.
Bukod sa dating pangulo, may iba pa aniyang abogadong magtatanggol sa kanya sakaling umusad ang kaso sa senado.
“I am confident that I did not break any law. I did not do anything illegal… Kapag nandyan na ang kaso, haharapin pa rin namin,” wika ng bise-presidente.
Nahaharap sa tatlong impeachment complaints si VP Sara bunsod ng di umano’y ilegal na paggamit ng confidential funds na inilaan ng Kongreso sa Office of the Vice President at sa Department of Education na dati niyang pinamunuan.
Ayon kay VP Sara, mas mainam na rin ang pormal na pagsasampa ng rfeklamo para wala na aniyang madamay pang iba sa aniya’y planadong demolition job ng administrasyon laban sa kanya.
“So, okay din yung impeachment case dahil ako lang ang tinitira doon, ako lang iniimbestigahan. Ako lang ang inaatake ng impeachment case. Hindi na kasali ang mga kasamahan ko sa OVP and mga dati kong kasama sa DepEd. Masagot na ng final kung ano yung mga inaakusa nila sa akin.”
More Stories
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON
P680K shabu, nasamsam sa HVI tulak sa Valenzuela