PINABULAANAN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga espekulasyon na tinutulungan niya si Kingom of Jesus Christ (KOJC) leader Appolo Quiboloy para taguan ang mga awtoridad.
Sa isang late-night press conference sa Davao City, hinamon ni Duterte ang sinuman na pumunta sa kanyang bahay upang hanapin si Quiboloy, na nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso kabilang ang human trafficking.
“Ibuhos ko na lang ang pera ko kung makita niyo si Quiboloy sa bahay ko,” pabiro niyang sambit.
Sinabi rin ni Duterte na ayaw niyang maging bahagi ng problema ni Quiboloy.
“Sabihin mo kay Pastor, ‘Pastor, ikaw naman ang wanted. Huwag mo akong damayin dito,” sambit niya.
“As a lawyer, I would say that you can go to court and fix your case and and post bail bond. That could be an option. But if you do not think that you will get the fair deal with this administration, talking about Marcos and everything, eh di ‘wag ka lumabas d’yan sa Tamayong (then don’t leave Tamayong),” payo ni Duterte sa naturang pastor, na ang tinutukoy ay ang Tamayong Prayer Garden, na idinevelop ni Quiboloy. “Nand’yan lang ‘yan sa Tamayong. Malaki lang ang Tamayong. Sa loob maraming bahay. Make sure na sa isang bahay nand’yan s’ya because for every bahay, it should be a different search,” dagdag pa niya.
Pero sa huli, sinabi ni Duterte na wala siyang alam kung nasaan talaga ang eksaktong kinaroroonan ni Quiboloy.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA