December 24, 2024

Digong imposibleng madakip ng ICC sa Pilipinas

Kumbinsido ang isang kilalang political scientist na hindi maaaresto ng International Criminal Court o ICC ang dating pangulong Rodrigo Duterte na may kinakaharap na mga kasong kriminal sa ICC.

Sa lingguhang Agenda forum, sinabi ni Dr. Clarita Carlos, dating National Security Adviser o NSA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kung mayroon mang warrant of arrest ang ICC laban sa dating pangulong Duterte ay hindi ito maipatutupad sa Pilipinas.

Iginiit ni Dr. Carlos na sa sandaling gawin iyon ng ICC ay itinuturing na lantarang panghihimasok at pakikialam sa internal affairs o usaping panloob ng Pilipinas.

Hinalimbawa ng dating security adviser ng Pangulong Marcos Jr ang warrant.of arrest na inisyu noong 2009 at 2010 ng ICC laban sa isang South African leader na hindi kailanman naaresto.

Ang dating pangulong Duterte ay dinemanda sa ICC ng ilang human rights activists dahil sa usapin ng extra judicial killings noong panahon ng war on drugs na sinasabing dahilan nang pagkamatay ng libu-libong katao.

“… the arrest warrant issued by the International Criminal Court against former President Rodrigo Roa Duterte would not happen, as it’s an “intrusion” in the country’s internal affairs,” paliwanag ni Dr. Carlos.  

Hinalimbawa pa ni Dr. Carlos ang isang South African leader  na ipinadarakip ng ICC noong 2009 2010 dahil sa crime war at genocide sa Sudan ngunit hindi naisilbi.

“A South African leader was never arrested despite the arrest warrant issued by the ICC against him….” paliwanag ni Carlos sa  The Agenda forum sa Club Filipino na pinamumunuan ni Dating Immigration Commissioner Atty Siegfred Mison katuwang ang Everything For Good Consultancy (EFG) and Impact Media Publishing.