ITINALAGA si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang administrator ng mga ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Apollo Quiboloy .
“JUST IN: Former President Rodrigo Duterte is appointed as new administrator for KOJC properties,” saad sa post ng SMNI sa X (dating Twitter) kahapon.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye kaugnay sa naturang appointment.
Si Duterte ay sanggang-dikit ni KJC founder at Davao-based preacher Apollo Quiboloy na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa Amerika at iniimbestigahan din ng Senate Committee on on Women, Children Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros.
Kasalukuyang nahaharap din si Quiboloy sa mga alegasyon ng “child abuse” at “qualified trafficking,” kung saan sinabi kamakailan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na sasampahan ng prosecutors sa Pasig City at Davao City kaugnay ng naturang mga kaso.
Ilang ulit na ring ipinatawag ng Senado si Quiboloy, pero hindi ito dumalo sa tatlong mga pagdinig kaya nais na itong ipaaresto ni Hontiveros pero kinokontra ni Sen. Robinhood Padilla.
Walong pirma mula sa mga miyembro ng komite ang kinakailangan para mapawalang bisa ang pag-contempt kay Quiboloy.
Nitong Huwebes, Marso 7, ay pinangalanan naman ni Padilla ang apat pang mga senador na lumagda sa ‘written objection’ na pinapaikot niya kaugnay sa contempt order laban kay Quiboloy. Ito ay sina Senador Imee Marcos, Senador Cynthia Villar, Senador Bong Go, at Senador JV Ejercito pero makalipas lamang ang ilang oras ay binawi ni Ejercito ang kaniyang lagda.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA