Nakatakdang lumagda sa isang kasunduan ang Presidential Communications Office (PCO) sa iba pang mga ahensya ng gobyerno para maglunsad ng kampanya upang labanan ang disinformation at misinformation.
Ayon sa PCO, ilulunsad nito ang Media and Information Literacy (MIL) Campaign Project ng Marcos admin sa pamamagitan ng paglagda sa isang ceremonial signing ng memorandum of understanding sa mga partner agency nito.
Kabilang ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Gaganapin ang paglagda sa MOU sa araw ng Lunes, Agosto 14 sa lungsod ng Pasay.
Ang naturang proyekto ay pagtugon ng administrasyon sa maling impormasyon na laganap sa digital landscape ng bansa na nakatutok upang maging discerning consumers ang mga kabataan sa nakakalap nilang impormasyon.
Isasama din ang Media and Information Literacy sa higher education curriculum, community-based trainings at family oriented programs.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund