November 24, 2024

DICT SECRETARY GRINGO HONASAN, TATAKBONG SENADOR

PORMAL nang nagsumite ng kanyang certificate of candidacy (COC) ngayong araw ng Biyernes si dating senator at Department of Communications and Information Technology (DICT) Secretary Gringo Honasan II sa pagka-senador sa 2022 elections.

Naghain ng COC si Honasan sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Malaki ang naging papel niya noong 1986 People Power Revolution na nagpatalsik sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos.

Pinasok ni Honasan ang politka noong 1995 nang tumakbo itong senador at manalo. Nagsilbi siyang senador mula 1995 hanggang 2004.

Muli siyang naihalal sa Senado noong 2007 at na-reelect noong 2013.

Noong 2016 polls, tumakbo si Honasan sa pagka-bise presidente habang ang running mate naman niya ay si Jejomar Binay na tumakbo sa pagka-pangulo. Parehong natalo ang dalawa.