December 19, 2024

DICT NILAGDAAN P5.6-B INT’L GATEWAY INVESTMENT SA JAPAN

INIULAT ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary John Uy na naglaan ang higanteng telecom na IPS Inc. ng Japan ng karagdagang P5.6 bilyon bilang panibagong investments sa Pilipinas para sa taong 2023 hanggang 2024.

Nilagdaan nina Uy at IPS chief executive officer Koji Miyashita ang memorandum of support sa isang seremonya na ginanap sa Tokyo noong Agosto 25 upang palawakin ang kapasidad ng moderno at ligtas na gateway para sa Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng Japan.

“This will likewise ensure unhampered data connectivity via the Eastern Seaboard away from the highly contested South China Sea,”  ayon kay Uy.

Samantala, nag-alok din ang InfiniVAN Inc., isang IPS affiliate sa Pilipinas, ng P4 bilyon na investment sa ilalim ng public-private partnership arrangement na magpapabilis sa deployment at connectivity ng National Broadband Plan, o mas kilala bilang Broadband ng Masa Program (BBMP).

Isinaalang-alang na ngayon ng DICT ang nasabing proposal.

Malugod namang tinaggap ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center executive director Alexander Ramos ang partnership sa IPS at InfiniVan bilang testament ng lumalagong kahalagahan ng bansa sa global digital landscape.

“The investment aligns seamlessly with the country’s Digital Transformation Strategy, which seeks to leverage technology for inclusive growth and progress,” sambit ni,  na dumalo rin sa Tokyo signing.

Sa panahon ng exploratory talks, inimungkahi ng InfiniVan ang pagkuha ng dark fiber fairs ng Infinivan-led Philippine Domestic Submarine Cable Network upang makumpleto ang backbone ng BBMP.

Ang pag-secure ng dark fiber-based capacities sa mga international submarine cable system na may touch point sa mga pangunahing hub tulad ng Singapore, Taiwan, Japan, United States at Europe na may landing point sa Pilipinas ay tinalakay din sa exploratory talks sa Tokyo.

Ang panukala ng InfiniVAN ay sumasaklaw sa layo na 2,700 kilometro ng fiber optic cable na nag-uugnay sa Luzon, Visayas at Mindanao at sumasaklaw sa 26 na bagong landing point. Kabilang dito ang Batangas-Mindoro, Mindoro-Boracay, Lucena-Marinduque, Marinduque-Tablas, Capiz-Tablas, Masbate1-Capiz, Iloilo-Bacolod, Negros Occidental-Western Cebu, Zamboanga Del Norte1-Negros Oriental, Surigao Del Norte-Southern Leyte, Western Leyte-Cebu1, Samar-Masbate2, Masbate2-Sorsogon, Boracay-Aklan, Siargao-Surigao Del Sur, Camiguin-Misamis Oriental, Masbate1-Western Leyte, Cebu2-Bohol, Bohol-Cagayan de Oro, Cagayan de Oro-Zamboanga Del Norte1, Zamboanga Del Norte2-Zamboanga Del Norte1, Zamboanga Del Norte2-Zamboanga Del Sur, Camarines Sur-Tablas, Southern Leyte-Cebu1, Masbate1-Masbate2 UG Terrestrial, at Cebu1-Cebu2 UG Terrestrial.