Pinagtibay nina Nicola Queen Diamante at Paulene Beatriz Obebe ang kanilang pag-angkin bilang mukha ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) grassroots program sa isa pang mahusay na pagtatanghal kagapon sa pagsisimula ng Reunion Challenge National Finals sa bagong ayos na Teofilo Ildefonso swimming pool sa loob ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).
Si Diamante, ang ipinagmamalaki ng RSS Dolphins Swimming Team ni coach Anthony Reyes, ay muling nag-strike sa girls 11-yrs class habang si Obebe ng ASCC ang nangibabaw sa field sa 12-yrs old category ng kompetisyon na inorganisa ng COPA sa pakikipagtulungan ng Samahang Manlalangoy ng Pilipinas at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ni Chairman Noli Eala, MILO at Speedo.
Parehong nag-claim ang dalawang swimmers ng multi gold medal sa final series ng three-leg meet noong nakaraang buwan kung saan si Diamante ay nakakuha na ng kabuuang 16 mint sa lahat ng tournaments ng COPA sa taong ito.
Nanalo si Diamante sa Class A 200-m freestyle.
Ipinahayag ni chief organizer at COPA Board Member Chito Rivera ang kanyang optimismo sa mahusay na performance nina Diamante at Obebe.
Ang COPA ay itinatag ni Olympian ,international swimming medalist ,ex-PSC head at kasalukuyang Kongresista na si Rep.Eric Buhain ng Batangas.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD