Matapos ang kontrobersiyal na“Lugaw is not essential” video na nag-viral sa internet noong Marso 31, naglabas ng public apology ang mga opisyal ng barangay na sangkot sa konrobersiya.
Sa ipinoste na video sa Facebook, sinabi ng babae sa viral video na si Pez Raymundo na “hindi sadya” at pagod lang daw siya noong mga araw na iyon.
“Iyon po ay hindi intensyunal dahil po late na ng madaling araw ‘yun. Napagod din po siguro ako, nagkamali po ako sa pagpili ng salita na hindi po akma sa aking pinapaliwanag kay Marvin ,” paliwanag ni Raymundo sa video.
Si Raymundo ay ang Violence Against Women and Children (VAWC) desk officer ng Barangay Muzon. Kasama niya noon ang mga barangay tanod na sumita sa delivery driver noong Marso 30.
“Sa’yo Marvin, kung na-offend ka doon sa aking nabanggit, ako ay humihingi ng paumanhin. Kasama na rin po doon ‘yung may-ari ng establishment and doon sa mga grab drivers,” dagdag ni Raymundo.
Sinabi rin sa video ni Chairman Marciano Gatchalian ng Barangay Muzon na palagi niyang ipinapaalala sa kanyang mga Barangay official at staff na palaging ipatupad ang maximum tolerance.
“Lagi ko pong pinapaalala sa kanila na maging magalang, tama ang approach at pakikipag-usap. Lagi pong may maximum tolerance. Iyan po’y hindi po nawawala sa aking briefing upang sa gayo’y po’y hindi po mao-offend ang mga taong mapag-implementahan,” ayon kay Gatchalian.
Sa isang panayam, sinabi ni Ignacio na kailangan niyang umalis ng kanilang bahay sa San Jose Del Monte dahil sa takot na balikan ng mga opisyal.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY