September 8, 2024

‘Di raw sa Covid 19… DADDY ERNIE DELA CRUZ, PUMANAW SA SAKIT NA PNEUMONIA

NAGDUSA si Daddy Ernie Dela Cruz sa sakit na pneumonia. Ito ang naging dahilan ng kanyang maagang pagpanaw, dahil ang oxygen sa kanyang katawan ang nagkaroon ng malaking problema kaya bumigay ang kanyang heart at lungs.

Bale 20 days ding nanatili si Daddy Ernie sa Coronary Care Unit o CCU sa hospital, at nito ngang July 4 ay iniwan na niya ang kanyang mga anak na sina Angelika, Mika at Erick Dela Cruz.

“Masakit pero sino naman kami para tumutol, alam naming ngayon na nasa piling na siya ng ating Maykapal. Masakit talaga, dahil si Daddy Ernie never niya kaming iniwan. Siya ang aming kaibigan at kakampi namin sa lahat. I’m heartbroken, dahil maaga niya kaming iniwan. Mahal na mahal ko si daddy, napakabuti niyang daddy. Marami siyang tinulungang mga tao, pahinga kana daddy at rest in peace. Masaya ako dahil magkasama na kayo ng aking kapatid  na si Edward,” malungkot na pahayag ni Angelika Dela Cruz.

Si Daddy Ernie, na super bait at kalog kasama. Never kang iwan sa ere nito, kahit sabihin pang napaka-busy na tao ang kanyang anak na si Angelika Dela Cruz. Kaya naman parang kinurot ang aking puso nang mabalitaan ko ang kanyang maagang pagpanaw. Ang buong staff po ng Agila ng Bayan online, ay nakikiramay sa pagpanaw ni Daddy Ernie Dela Cruz.