HINDI sukat akalain ng fans ni Piel Morena na iyong ganda niyang taglay sa big screen ay mahahaluan pala ito ng pagiging isang dugong tomboy o isang pansexual.
At ang laki rin nang ipinagbago ng kanyang seksing katawan dahil sa ngayon ay tumaba na ang dating sexy actress.
“Nakapangasawa ako ng isang German. Masaya naman kami. Iyon nga lang hanggang sa ngayonon ay wala pa rin kaming anak. Ako naman sa sitwasyon ko ngayon, kontento na ako sa pagiging pansexual ko, wala naman akong pinagsisihan kasi naging maganda naman ang aking buhay,” ayon sa dating aktres.
“Kapag pansexual ka, hindi mahalaga sa iyo ang gender ng isang tao. Ang mahalaga ay masaya kayo, at hindi kayo nakakaapak o nakakasira ng kapwa ninyo. Gaya nga nang aking sinabi, kontento naman ako sa buhay ko.”
“Ako naman hindi ko naman kahit kalian ikinahiya ang pagiging lesbian, bisexual, o pansexual ko. Dapat nga proud ka, dahil iyon ka. Totoong marami kang ma-encounter na mga pagsubok, pagkukutya. Pero pagsubok lang ang mga iyon na hindi mo dapat katakutan, dahil may katapat naman iyon na katagumpayan,” paliwanag pa ni Piel Morena.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA