NALOKA ang mga netizens sa naging resulta ng Metro Manila Film Festival 2023 sa kategoryang best actress, bakit daw si Vilma Santos ang nanalong best actress? Gayung ‘di hamak na mas magaling sa kanya sina Marian Rivera at Sharon Cuneta.
Hindi n’yo pa ba nakita ang sitwasyon? Una nagbigay ng sponsor ang OWWA kunyari handog nila sa mga OFW’s ng mga block screening, pero ang totoong pakay nila ay maging blockbuster ang pelikula ni Vi. Ikalawa, ang pamunuan ng MMFF ay pawang hawak ng mga politiko, at mayroong artista sa pelikula nina Boyet at Vi ang may impluwensiyang tao na kasama nila sa pelikula ang pwedeng mag naniobra?
Ikatlo, sabi nga ni Vilma Santos ang pelikula nila ay hindi ito heavy drama at hindi kayo pa iiyakin. Samantalang iyong kay Sharon Cuneta at Marian Rivera, na napakaganda at napakahusay ng acting nila ay hindi pinalad ni isa sa kanila ang nanalo.
Hindi ba sinabi ko na, si Vilma Santos ang mananalo. At para maging makatotohanan ay inilaglag nila si Boyet, para hindi halatang may hokus pokus, kung ipapanalo nila si Boyet tiyak na bukelyas sila. Sana hindi totoo itong mga nasagap kong chika sa loob ng MMFF office?
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS