Hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Malacañang at Department of Justice (DOJ) na hindi dapat papasukin si Public Attorneys Office (PAO) Chief Presida Acosta dahil hindi siya bakunado laban sa COVID-19.
SA gitna ng tangkang ng pamahalaan na kumbinsihin ang mamamayan na magpabakuna, sinabi ni Drilon na “unaaceptable” na si Acosta ay hindi nabakunahan.
“Hindi ba sampal iyon sa gobyerno? I hope it is not deliberate but Acosta’s recent statements can fuel vaccine hesitancy that we are trying to address,” wika ni Drilon.
“Until she gets vaccinated, she should be barred from reporting to work,” dagdag niya.
Nagbabala si Drilon na maaaring akusahan ng double standards ang gobyerno kung hahayaan nitong mag-ulat si Acosta sa trabaho habang nililimitahan ang paggalaw ng mga hindi nabakunahang Filipino.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA