
IBINUNYAG ni dating Vice President Leni Robredo na hindi siya tatakbong senador sa 2025 elections.
Ito ang kinumpirma ni Robredo sa isang media interview matapos ang episcopal ordination ni Bishop Luisito Occiano ng Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia sa Naga City.
“Sinarado ko na kaya nagpaalam na ako sa LP. Kaya ako nagpaalam sa LP na hindi na ako tatakbo sa Senado,” wika ni Robredo.
Pero umamin ang dating VP na tatakbo siyang alklade ng Naga.
“Pero ang preparasyon talaga, patungo sa pagtakbo bilang alkalde ng Naga…. Hindi ko pa siya gagawin hangga’t hindi ko pa napaplantsa,” pakli niya.
More Stories
HVI tulak, huli sa buy bust sa Valenzuela, P476K shabu, nasamsam
WANTED SA KASONG RAPÉ, TIMBOG SA MONUMENTO
3 HVI, TIKLO SA BUY-BUST SA MALABON