LUMAKAS ang loob ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada matapos bawiin ng Sandiganbayan ang desisyon nito at pinawalang-sala siya sa isang count ng direct bribery at dalawang counts ng indirect bribery dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Muling iginiit ni Estrada na siya ay inosente at nangako na lilinisin ang kanyang pangalan.
“Hindi ako kailanman gumamit ng pondo ng bayan para sa pansariling interes o para pagtakpan ang anumang gawain na taliwas sa mga umiiral na batas. At higit sa lahat, pinatotohanan ng desisyong ito na hindi ko sinira ang tiwala na ibinigay sa akin ng mga mamamayan,” ayon kay Estrada.
“Bilang isang lingkod bayan, gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya, kahit gaano pa katagal, na linisin ang aking pangalan,
Sa unang bahagi ng taong ito, ibinasura ng anti-graft court si Estrada sa kasong plunder kaugnay sa umano’y pagkakasangkot niya sa multi-billion-peso pork barrel scam subalit napatunayan na siya ay guilty sa one count ng direct bribery at two counts ng indirect bribery.
Inapela niya ang naturang hatol hatol.
Ayon sa senador, naniniwala pa rin siya sa justice sytem gn bansa at pinasalamatan ang anti-graft court sa pagkatig sa inihain niyang motion for reconsideration.
“This experience has only further solidified my commitment to work tirelessly for the betterment of our nation as we move forward,” aniya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA