Napi-pressure si Devin Booker ng Phoenix Suns sa isang senaryo tungkol sa kanyang role sa team. Na dapat ay taglayin niya ang mentality ni Kobe Bryant sa game.
Impresibo ang kanyang performance sa playoffs hanggang sa NBA Finals. Kung kaya, inaasahan siya na lalo pang mag step-up.
Si Bryant ay naging mentor ni Booker hanggang sa pumalaot ito sa NBA. Na draft siya nang pa-retiro na sa liga ang binansagang Black Mamba. Gayunman, sinabi ng Suns guard na hindi dapat siya ihambing kay Kobe.
“He told him, be legendary. But doesn’t feel as though he is up that level yet,” saad ni Sam Quinn ng CBS Sports.
“I should never be compared to Kobe Bryant,” paglilinaw ni Booker sa kanyang Twitter account.
“I just leave it at what he’s done for me as a mentor and the advice that he’s left me with, so I try to take bits and pieces of his mentality and approach,” aniya.
Inaasahan ng taga-Arizona na mambubulaga si Booker sa Game 6 laban sa Bucks. Sa gayun ay maisalpa ang tsansa ng Suns sa kampeonato. Dahil kung hindi, malulusaw ang pangarap nilang maging champion.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!