December 25, 2024

Development ng women’s volleyball sa bansa, ikinatuwa ng former Lady Eagle

Ikinatuwa ni dating Ateneo Lady Eagle Gretchen Ho ang pag-igi ng women’s volleyball sa bansa. Ayon sa former darling of the crowd, iba aniya  ang acceptance ng crowd nun kaysa sa kapanahunan nila.

Dati raw ay kakaunti ang nanonood sa laro nila. May time nga raw na namimigay pa sila ng tickets sa mga kaibigan at kakilala, manood lang ng game.

Pero, iba na raw aniya  ngayon. Sikat na sikat na kasi  ang volleyball sa bansa.

Kusa nang nanonood ang mga fans para makita at makadaupang-palad ang kanilang favorite volleybelles. Kabilang sa mga popular volleyball players sa ngayon sina Alyssa Valdez, Mika Reyes, Aby Marano  at Jaja  Santiago.

Gayundin sina Eya Laure, Maddie Madayag, Ara Galang, Denise Lazaro, Majoy Baron, Jovelyn Gonzaga, Rachel Anne Daquiz at Michelle Gumabao.

Ang mga nabanggit na manlalaro ay  sikat ay marami ng fans sapol pa noong sila’y maglaro sa collegiate league.

Hanggang sa maglaro sa ilang liga gaya ng Philippine SuperLiga at Premiere Volleyball League.

Ang iba sa kanila ay napabilang din sa women’s national team na kumakatawan sa bansa