September 28, 2024

DETALYE NG BUROL AT LIBING NI AMBASSADOR ALBERT DEL ROSARIO, INILABAS NA NG PAMILYA

NAKATAKDA sa Abril 25, 2023 ang libing ng yumaong si Ambassador Albert del Rosario.

Pumanaw ang 83-year old ambassador kahapon habang bumibyahe patungo sa San Francisco, United States kahapon.

Magsisimula ngayong Linggo, Abril 23 mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi, ang lamay para kay Del Rosario sa Chapels ng Sanctuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City.

 Ganoon din ang oras ng lamay sa Lunes, Abril 24.

Alas-9:00 ng umaga ang funeral mass sa April 25, sa Main Church ng Sanctuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City bago ilibing ang mga labi ni Del Rosario.

Nagpapasalamat ang pamilya ni Del Rosario sa mga patuloy na nanalangin at nagbibigay ng suporta sa kanila.