WALA na silang pinipiling panahon at ‘di na gawain ng matinong tao ang inaasal nila partikular sa paninira sa Pangulo ng bansa na wa-epek naman at sila-sila lang ang nasisiyahan sa kanilang sariling paraan.
Pati ang pananalasa ng bagyong Ulysses ay angkop sa kanilang panlasa para bumira sa administrasyong kinamumuhian nila.
Mantakin bang walang abog na sabihin ng isang coup’pal na dating senador na matulog na lang ang Pangulo sa kulambo kundi ay ilulubog niya sa baha si PDigong.
Ganyan na sila kaanghang na bumastos sa Pangulo ng bansa kaya sa halip na makakuha sila ng simpatiya ay lalo silang isinusuka ng mga taong nasa wastong pag-iisip.
Awa naman ang ramdam ko sa FVP (feeling vp) na atat nang mawala ang ating Pangulo para siya na raw ang papalit dahil siya ang ‘ busy presidente’ sa kanyang ginagawang kautuan sa buhay niya.
Nakakaawa dahil sa kanyang kabopolan ay pinaiikot siya ng mga kakulay niyang dilaw ang isinusuka pati mga cheap trick ng kanyang advisers para mapansin ng bayan o matandaan ang kanyang pangalan sa 2022.
Sa aftermath ni Ulysses, kung feeling VP talaga siya at hindi fake, ‘di niya dapat pinakikinggan ang payo ng nasa paligid niya na lumusong sa baha, pumunta sa evacuation center, magkarga ng mga bata na kunwari ay mga mahal niya pero nakangiting nagpapakuha ng larawan sa mga pobreng bakwet na miserable na ang buhay ay pakikitaan pa ng kaplastikan.
Iyan ay gawain lang ng mga pulitiko sa lokal na eksena at ‘di gawain ng nag-aambisyong pamunuan ang bansa, very unpresidentiable dahil iba na ang panahon ngayon, matalino na ang tao dahil sa social media na ‘di tulad noong alipin pa ng biased mainstream media na nagpahirap lalo sa Pilipino.
Patuloy sila sa pag-iisip na bobo ang Pinoy para sila paniwalaan. Desperado at ‘di na makahintay. Dahil sa kanilang galit na ‘di mapabagsak ang Presidente ay dinadalangin nila sa amo nilang si ‘Taning na tapusin na ang taning ng kanilang kinamumuhian para silang nasa panig ng kasamaan naman ang pumalit sa kapangyarihan.
Dasal nila sa demonyo na lunurin ng tubig baha mula sa iniwang daluyong ni Ulysses si PDigong na sobra nang kabaliwan ng walang ulong oposisyon. Antayin nila ang 2022, lahat sila lunod diretso sa inidoro… ABANGAN!!
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA