January 23, 2025

Desisyon ng Kamara, pabor kay Cayetano na manatili bilang Speaker |LABAS TAYO DIYAN! – DUTERTE

IGINAGALANG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang botohan ng mga mambabatas sa Kamara kaugnay sa kanilang liderato.

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesman Harry Roque ay kasunod ng isinagawang botohan ng mga kongresista kung saan ibinasura ang inihaing resignation ni House Speaker Alan Peter Cayetano kahapon

Sinabi ni Sec. Roque, sinabihan siya ni Pangulong Duterte na “stay out” na sila sa usaping ito at internal affairs na ito ng Kamara.

Ayon kay Sec. Roque, hindi na rin daw sila magbibigay ng komento kasunod ng naging desisyon ng mayorya ng mga kongresista.

Muli ring binigyang-diin ni Sec. Roque na una naman ng inihayag ni Pangulong Duterte na kahit pa nais niyang masunod ang term sharing agreement sa pagitan nina Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco, ang mga mambabatas pa rin ang pipili ng kanilang pinuno.

“Stay out tayo diyan. No comment tayo diyan. that’s a purely internal matter of the House of Representatives,” ani Pangulong Duterte kay Sec. Roque.