December 24, 2024

DEPLOYMENT BAN SA HEALTHCARE WORKERS, INALIS NA NI PDU30

PINAPAYAGAN na ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nurse at iba pang medical worker na makaalis at magtrabaho sa abroad.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, epektibo na agad ang pagtanggal sa temporary deployment ban.

Dagdag pa niya na kada taon ay tanging 5,000 health workers lamang ang papagyagan na makaalis patungong ibang bansa.

Sa nakaraang desisyon noong Agosto 31, tanging mga healthcare professionals na may kompletong employment documents at visa ang pinapayagan ni Duterte na makaalis ng bansa.

Welcome naman sa health workers group na Filipino Nurse United (FNU) ang naging desisyon ng Pangulo.