June 25, 2025

DepEd Secretary Sonny Angara, binati ang mga bagong itinalagang opisyal ng Kagawaran

MANILA — Mainit na pagbati ang ipinaabot ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa mga bagong itinalagang opisyal ng ahensya, kabilang ang mga direktor, assistant schools division superintendent (ASDS), mga opisyal ng Teacher Education Council (TEC), at support staff na pormal na nanumpa ngayong Hunyo 2025.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Secretary Angara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mabilis na pag-apruba sa mga appointment na ito, na aniya’y nagpapakita ng pagtutok ng administrasyon sa pagpapalakas ng pamumuno sa sektor ng edukasyon.

Mga Bagong Itinalagang Director IV:

  • Razzel Anne Requesto
  • Jose Enrique Corpus
  • Joseph Conrad De Rama

Bagong Assistant Schools Division Superintendent (ASDS):

  • Rodel Sangkate Magnaye

Teacher Education Council (TEC) Officials:

  • Neil Vincent Sandoval, Executive Director
  • Freddie Avendaño, Director II
  • Adrian Lawrence Carvajal, Director II
  • Angelito Cortez Jr., Director II

“Hangad namin ang tagumpay ninyo sa inyong mga bagong tungkulin. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong pamumuno tungo sa mas mataas na kalidad, patas, at epektibong edukasyon para sa lahat,” ani Secretary Angara.

Ang pagkakatalaga sa mga bagong opisyal ay inaasahang magpapalakas sa implementasyon ng mga programa at reporma ng DepEd sa ilalim ng bagong liderato.