January 20, 2025

DepEd sa public schools… DISTANCE LEARNING IPATUPAD NGAYONG APRIL 8

Inatasan ng Department of Education ang lahat ng pampublikong paaralan sa bansa na ipatupad ang distance learning ngayong araw.

Ibig sabihin, hindi kailangan pumasok sa eskwela ang mga bata.

Ang mga guro at non-teaching staff ng mga eskwela ay hindi na rin anya kailangan pumasok pa ng pisikal sa mga paaralan bukas.

“In order to allow learners to complete pending assignments, projects and other requirements, all public schools nationwide shall implement ASYNCHRONOUS CLASSES/DISTANCE LEARNING on Monday, 8 April 2024,” ayon sa post DepEd sa Facebook.

Hindi umano cover ng advisory ang mga pribadong paaralan ngunit may opsyon sila na ipatupad ang nasabing order.