HIGIT sa isang buwan na lang at magbubukas na ang klase sa bansa pero ang malaking tanong: handa na ba ang Department of Education sa ipinagmamalaking distance learning method?
Narinig na natin ang desisyon ni Pang. Duterte na kung walang bakuna kontra sa COVID-19, ‘wag na munang mag-face-to-face learning ang mga estudyante dahil sa tindi ng virus.
Dahil iniisip naman ni DepEd Sec. Leonor Briones ang kapakanan ng mga kabataang mag-aaral na umano’y mahuhuli sa kanilang paglinang sa kaalaman at karunungan, nagpasya ang Pangulo na payagan ang distance learning method sa paggamit ng internet, tv, radio at modules.
Pero ang problema, palpak ang wifi/internet signal na pino-provide ng Globe telecoms (Ayala family) at Smart telecoms (Manny Pangilinan).
Kahit nasa Metro Manila lang ay sobrang bagal ng internet signal at madalas pa nawawalan ng serbisyo na madalas reklamo ng mga kostumer ng dalawang telcos.
Matinding problema talaga ang Wi-Fi connection sa bansa kung ikukumpara ang internet speed sa buong Asian region?
Base sa Ookla Net Index (The Global Broadband Speed Test), pinaka-kulelat at nasa 14th spot ang Pilipinas na may 3.5 Megabytes per second; 13th spot ang Indonesia na may 4.3 Mbps; 12th spot ang Laos na may 4.5Mbps; 11TH spot ang Myanmar na may 5.0 Mbps; 10th spot ang Malaysia na may 5.48 Mbps; nasa 9th spot ang Brunei Darussalam na may 5.51 Mbps; nasa 8th spot ang Cambodia na may 5.9 Mbps; nasa 7th spot ang Vietnam na may 14.2 Mbps; 6th spot ang Thailand na may 18.9 Mbps; 5th spot ang China na may 19.5 Mbps; 4th spot ang Taiwan na may 39.3 Mbps; 3rd spot ang Japan na may 41.5 Mbps; 2nd spot ang Hong Kong na may 78.3 Mbps at 1st spot at pinakamabilis ang internet speed sa Singapore na may 66.6 Mbps.
Ka-Agila, maliban sa sablay na internet speed sa Pilipinas, ang tanong pa ng maraming magulang at mga guro, papaano mag-online classes kung walang pambili ng laptop, smart phones o kaya personal computer?
Syempre, kailangan pa rin na magbayad ng internet cost kada buwan o kaya ay pambili ng load para sa data na gagamitin ng mga estudyante at mga guro.
Kung nasa bulubundukin at liblib na pook sa bansa, wala namang signal ng internet, tv at radio stations.
Ang alternatibo ng DepEd, maghatid ang mga LGU at Barangay officials ng learning modules sa mga estudyante ng house-to-house.
Sabi nga, kung talaga gugustuhin, maraming paraan pero kung ayaw nating yakapin ang “new normal” at pagpapalit ng sistema ng edukasyon maraming dahilan.
******************
NABUBULOK NA MGA GULAY
Nakakaawa ang maraming magsasaka na halos walang kita dahil nasasayang at nabubulok ang kanilang mga aning gulay at prutas sa iba’t ibang probinsya.
Tone-toneladang kamatis ang nabulok at itinapon na lang ng mga magsasaka sa Quirino, ayon kay Gov. Dakila Cua sa panayam sa Laging Handa press briefing.
Nabulok daw ang mga kamatis dahil umatras ang mga buyer ng mga magsasaka sa Metro Manila at karatig nilang probinsya.
Sinabi ni Cua na ito lang ang inaasahan ng mga magsasaka para may panggastos sa pag-aaral ng kanilang mga anak simula sa Agosto.
Kaya nananawagan si Gov. Cua sa mga LGU sa Metro Manila at ibang probinsya na mag-collaborate sila para mawala na ang middleman at direktang sila na ang bumili ng aning mga gulay at prutas mula sa Quirino.
Ipinagmalaki ni Cua na marami rin suplay ng Baguio beans na galing Quirino.
Sa trading post sa La Trinidad, Benguet, nakaimbak at nabubulok din ang mga gulay dahil ilang araw silang sumailalim sa community lockdown dahil sa nagsagawa ng disinfection sa gitna ng ulat na may positibo sa COVID19.
Ang punto ko rito mga Ka-Agila, bakit hinahayaan ng mga concerned government agency na mabulok ang mga gulay at prutas? Ano ang ginagawa ni Agriculture Sec. William Dar na isang technocrat? Walang pakiramdam sa mga magsasaka? Baka naman natutulog siya sa pwesto?
Pwede namang bilhin ng DA ang mga produkto ng mga magsasaka at ibenta ito sa mga LGU at pribadong sector na pwedeng makatulong sa mga magsasaka.
Gamitin nila ang Facebook at iba pang social media platform para makabenta ng mga gulay at prutas para makabawi ang mga magsasaka.
Kung sa probinsya, nabubulok na ang mga gulay at prutas at mura ang presyo nito. Sa mga supermarket at grocery stores, sobrang mahal naman ng mga ito dahil sa umano’y kakapusan ng suplay at dumaan pa sa kamay ng middlemen.
Sec. Dar, nagtatanong lang po ang mga mahihirap na magsasaka na hanggang ngayon ay nangangapa kung papaano maitatawid ang mga pamilya sa gitna ng pandemya.
Happy bday sa mabait naming publisher si Mina R. Paderna and Lakay Deo Macalma of DZRH. More blessings to come!
Para sa inyong suhestyon at reaksyon sa kolum na ito, ipadala nyo lang po sa aking email [email protected].
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino