January 23, 2025

DepEd, dapat magbigay ng budget sa uniporme kaysa sa hindi ito i-required isuot

Inihayag ni VP at DepEd Secretary Sara Duterte na hindi na required mag-uniform ang mga estudyante. Sasaklaw ang alintutuning ito sa iskul year 2022-2023 sa mga public schools. Aniya, mas makakatipid daw ang mga magulang at mag-aaral. Bawas gastos ito at bawas pasanin ng mga parents.

Kaya, mainam na isuot ang sibilyan uniform sangayon sa gusto ng estudyante. Tungkol dito mga Ka-Sampaguita, medyo hindi tayo tatango ng 100 percent. Totoong mahal ang uniporme. Hasel din ang nagsuot nito kapag araw ng klase. Lalo na yung iisa lang ang uniporme ng isang pobleng mag-aaral.

Sa ganang atin, may paraan naman at tiyak nating mas gusto ng karamihan na magsuot nito. Pantay-pantay ang mahirap at mayaman dahil sa pagsusuot nito. Ito rin ang pagkakakilanlan ng isang mag-aaral kung saan siya nag-aaral. Nakasalalay din dito ang security reasons. Nagpapakita rin ito ng pagiging disiplinado.

Kung sibilyan uniform, mas magastos yata at hasel labhan. Kailangang iba-iba ang damit na suot mo araw-araw.

Ang mainam siguro ay maglaan ng budget ang DepEd sa uniforms. ‘Yung mga hirap bumili ng uniporme ang siyang bigyan ng libre. Di ba, mas praktikal at nakatulong ka pa sa mga magulang at mag-aaral.