May 23, 2025

DEPED CHIEF ANGARA BUMITIW NA — SUNOD SA UTOS NI PBBM

MANILA — Epektibo agad ang pagbibitiw ni Sonny Angara bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos niyang isumite ang kanyang courtesy resignation, bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maghain ng courtesy resignations ang lahat ng miyembro ng Gabinete.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Angara:

“Suportado namin ang prosesong ito. Binibigyang halaga at tiwala namin ang pasya ng Pangulo na paigtingin ang pamumuno at pamunuan niya.”

Sa loob ng sampung buwan ng kanyang panunungkulan, sinabi ni Angara na nakiisa siya sa layunin ng administrasyon na itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa, protektahan ang kapakanan ng mga guro, at tiyakin ang maayos na pagkatuto ng bawat mag-aaral.

“It has been the greatest honor of my public life to serve the Filipino people as Education Secretary,” ani Angara. “Ako’y nakahanda para sa isang maayos at walang abalang transisyon. Dapat magpatuloy ang mahalagang trabaho ng departamento.”

Nagpasalamat rin siya kay Pangulong Marcos Jr. sa pagkakatanggap sa Gabinete.

Wala pang inihahayag na kapalit si Angara sa DepEd sa ngayon, ngunit tiniyak nitong hindi maaantala ang mga operasyon at proyekto ng kagawaran.