
ISINUSULONG ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang paglikha sa Department of Peace na mag-i-institutionalize ng peace agenda ng pamahalaan.
Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Galvez na layong palitan ng panukalang Peace Department ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), at mapanatili ang mga tagumpay sa ilalim ng comprehensive peace process sa mga darating na taon.
“Nakita namin kasi na best practices ng other countries, meron talagang institution… Meron talagang Ministry or Department of Peace,” aniya.
Sa paglikha ng Department of Peace, umaasa siya na ang lahat ng peace initiatives ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon ay ma-consolidate, ma-integrate at ma-institutionalize, na maaaring itaguyod ng susunod na administrasyon.
Ibinunyag din ng dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, na sa ilalim ng kasalukuyang setup ng OPAPRU, karamihan sa management at personnel ay mayroong contractual positions at walang security of tenure.
Sa pamamagitan ng paglikha ng bagong departamento, aniya, babaguhin ang OPAPRU upang matugunan ang security tenure at career advancement para sa mga empleyado nito.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay