January 24, 2025

DEPARTMENT OF AGRICULTURE, DI NA KAILANGANG MAG-IMPORT NG ISDA

Balak ng Department o Agriculture (DA) na mag-import ng isda, upang punan ang kakulangan sa suplay. Gayunman, marami ang pumalag sa layun na ito ng DA. Kasama na rito ang ating mga mangingisda, mga senador at iba pang sektor. Kabilang dito ang senador na sina Sen. Imee Marcos, Manny Pacquiao at Ping Lacson. Ang balak ng DA ay mag-import ng 60,000 metric tons ng isda sa unang kwarter ng taon.

Pinagbasehan ng ahensiya ang ulat ng Bureau of Fisherries and Aquatic Resources (BFAR). Mga nasa 119,000 metric tons raw ang maaaring maging kakulungan sa suplay. Dahilan ng pagmahal ng presyo ng isda sa merkado.

Kung matutuloy ito, magiging insulto ito sa bansa at sa ating mga mangingisda. Na mismong galing din sa ating karagatan ang isdang ibebenta sa atin. Pahihirapan din nito ang kabuhayan ng mga mamalakaya.


Biro mo, napaliligiran tayo ng katubigan, na pahiwatig na maraming isda sa atin. Tapos, ang i-import natin ay galing din sa ating karagatan. Ang matindi, galunggong pa, buti sana kung ibang uri ng isda. Sa gayun ay malaman natin kung ano ang lasa ng isdang galing sa ibang nasyon.


Sa halip na mag-import, bakit di na lang tulungan ang ating mga fisherfolks? Gaya ng ginawa ng bansang Vietnam. Inayudahan ang mga mangingisda ng makina, pampagawa ng bangka, lambat at iba pa. Kung kaya, naging maayos ang pamamalakaya ng mga fisherfolks. Ang dapat gawin ng Department of Agriculture ay makipag-ugnayan sa ibang ahensiya. Na kontrolin ang pagtaas ng presyo.


Hindi na kailangan ng Pilipinas na mag-angkat ng isda dahil marami niyan sa atin. Maraming alternatibo kung sakaling may kakulangan. Nariyan ang isdang makukuha sa tubig-tabang. Magtiwala sa ating mga fisherfolks dahil alam nila ang gagawin dyan. Saka maiintindihan ng ating mga kababayan ang sitwasyon. Dahil hindi naman lahat ay nag-ulam ng isda sa araw-araw.