December 24, 2024

Denver Nuggets, umabanse sa west finals sa pagpapak sa Clippers sa Game 7

Muling nakabangon ang Denver Nuggets sa 1-3 deficit sa west semifinals. Pinapak ng Nuggets ang Los Angeles Clippers sa intense Game 7, 104-89.

Kaya naman, gumawa ng history ng Nuggets sa impressive comeback mula sa 2 beses na 1-3 deficit. Una ay sa quarterfinals kontra Utah Jazz.

Nanguna sa panalo ng Nuggets si Jamal Murray na nagbuslo ng 40 points, 4 boards at 5 assists. Umamalay naman si Nikola Jokic ng 16 points, 22 boards at 13 assists.

Sa panig naman ng Clippers, naglista si Montrezl Harrell ng 20 points at 3 boards. Umasiste naman si Kawhi Leonard ng 14 points, 6 boards at 6 assists.

It hurts, but you move on. Year one together, first run together,” saad ni George sa kanilang pagkatalo.

“Of course we wanted to win this, but we’re very optimistic about us being together and building something going down the road.”

Dahil sa panalo, pumalaot sa west finals ang Nuggets. Haharapin nila ang Lakers sa Biyernes ( Sabado PH time).

We didn’t meet [expectations],and that’s the bottom line,” ani coach Rivers.

 “I’m the coach, and I’ll take any blame for it. But we didn’t meet our expectations, clearly,” aniya.

Ang duwelo ng Nuggets-Lakers ay dejavu dahil nagtapat na noon ang dalawa. Ito ay sa west finals noong 2010. Kung saan, pambato ng Nuggets noon sina Carmelo Anthony at Chauncy Billups.

Sina Kobe Bryant at Paul Gasol naman ang sa Lakers.