Sinuspinde muna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paglabas ng environmental compliance certificate (ECC) sa mga proyektong nasa loob ng mga protected areas.
Sa isang memorandum order na pirmado ni DENR Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, inatasan ang lahat ng undersecretary, bureau directors, regional executive directors at directors na magpatupad ng mas mahigpit na panuntunan sa mga nagnanais kumuha ng ECC sa naturang departamento.
Bahagi rin ng direktiba ni Yulo ang imbentaryo sa lahat ng mga istruktrang nasa loob ng protected area. Habilin pa ng Kalihim, suriin, pag-aralan at alamin kung may mga paglabag sa umiiral na panuntunan ng kagawaran at probisyon sa batas na nagbibigay proteksyon sa kalikasan.
Isinagawa ang anunsiyo ng suspensiyon nang bumisita si Loyzaga sa Mr. Apo Natural Park kung saan tinalakay niya rin ang susunod na hakbang sa Mt Apo Natural Park at iba pang protected areas.
“All pending and future ECC applications for projects within PAs processed at the Regional Offices shall be submitted to the Environment Management Bureau Central Office for final review and approval,” saad sa isang bahagi ng the memorandum order.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY