December 25, 2024

DENR NANGAKO NG MAS MARAMING TULONG SA MGA SINALANTA NG BAGYONG ODETTE

MAYNILA – Isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang paunang relief operation at nangako ng karagdagang tulong sa mga komunidad na nasalanta ng Bagyong Odette.

Matapos ang pananalasa ng bagyo noong Disyembre 16 at 17, inatasan ni DENR Secretary Roy Cimatu si Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny Antiporda na pangunahan ang relief operations sa Siargao Island, Surigao del Norte.

“Rather than prepare for a joyous Christmas, I instructed Undersecretary Antiporda to assess and check the situation there. This is the instruction of the President (Rodrigo Duterte) to me,” wika ni Cimatu sa kanyang talumpati sa year-end general assembly ng DENR na ginanap noong Disyembre 22 at dinaluhan ng 1,600 na empleyado sa online at 300 sa multipurpose building ng ahensiya sa Quezon City.

Nagtungo si Antiporda sa Siargao noong Disyembre 19 para magsagawa ng assessment at magbigay ng first wave ng ayuda.

“Initially, we already sent partial relief goods for them a day after the typhoon. Our DENR-Region 11 (Davao) also traveled by land to conduct relief operations,” ibinahagi ni Cimatu.

Hinikayat din niya ang mga empleyado na maghanap ng paraan para makapagbigay ng tulong sa mga kapwa Filipino.

“This is an opportunity for those of us who were spared from the damage done by the Covid-19 and Typhoon Odette to commiserate with and assist the victims. I hope that you find it in your heart to extend help,” saad ni Cimatu.

Nagbigay din ng suporta ang DENR, partikular ang cash assistance, sa mga apektadong komunidad at DENR employees sa Siargao, Dinagat Islands, Cebu, Bohol, Palawan at iba pang lalawigang nasalanta ng bagyo.

“One thing that saddened me is the plight of the settlers within the shoreline that was badly hit,” wika ni Cimatu. “With this, I will extend all my powers and privileges being the Secretary of the DENR. We will come to their rescue.”