
OIPISYAL nang bumitaw si Atty. Ferdinand Topacio bilang legal counsel ni Deniece Cornejo para sa kaso laban kay Vhong Navarro.
Ayon kay Topacio, ayaw na umano niyang ituloy ang kasalukuyang direksyon ng kaso.
Nabanggit din nito ang “good conscience at ethics” kaya hindi na umano niya maipagpapatuloy ang naturang serbisyo.
Ipinaliwanag din ng naturang abogado na mayroon umanong difference sa paghawak sa naturang kaso.
Nilinaw din ni Topacio na ang kanyang naunang pagrepresenta kay Deniece, ay dahil umano sa hiling ng pamilya nito, lalo na ni Rod Cornejo na close friend umano niya.
More Stories
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG