January 24, 2025

DeMarcus Cousins, kinuha ng Rockets; Morris, mananatili sa Lakers

Kumagat umano si free agent center DeMarcus Cousins sa 1-year deal sa Houston Rockets. Ito ay batay sa multiple reports na lumabas kahapon.

Gayunman, ang deal ay hindi aniya guaranteed. Kung saan, opsyon lamang ng Rockets na kunin si Cousins. Naglaro lamang si Cousins ng 78 games sa loob ng 3 seasons.

Nagdusa ang big man sa ilang injuries. Kabilang na rito ang ruptured Achilles tendon at torn ACL. Iniulat din na hindi guaranteed ang financial deal sa pagitan ng Rockets at ni Cousins.

Nagparamdam  naman si Markieff Morris na babalik siya sa Los Angeles Lakers next season. Katunayan, nagpost siya kaugnay dito sa Twitter.

 “Run it back!”  tweeted ni Morris tweeted na may hashtag #Lakeshow. Inulat ng The Athletic  na pumayag si Morris sa one-year minimum deal.

Ang deal na ito ay nagkakahalaga ng $2.3 million. Si Morris ay may average 9.7 point per game. Naglaro siya ng 44 games sa Detroit Pistons.

Naglaro naman siya sa Lakers ng 14 games nang sumampa siya rito noong February 2020. Isa sa naging key ng team si Morris sa pagsungkit ng NBA title.

Mayroon siyang 42 percent mula sa 3-point range noong playoffs sa loob ng 21 laro. Siya ay may 34.5 percent  shooter sa long range sa kanyang career.May averages siya na 11.4 at 5.3 rebounds per game sa kanyang 9-year career. Ang Lakers panlimang team na napaglaruan nito.