TULUYAN nang kumalat sa buong National Capital Region (NCR) o Metro Manila ang mas nakahahawa at mapanganib na Delta variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH), sa unang araw ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lahat ng siyudad at munisipalidad sa nasabing rehiyon ay may mga napaulat kaso ng Delta variant.
Base aniya sa sequencing run, 116 na ang naitala na Delta infections.
Ilan din sa mga lugar ang isinailalim sa bagong alert system bases sa current transmission rate, hospital utilization rate at ang paglaganap ng Delta variant cases.
Kabilang sa mga siyudad na nasa ilalim ng DoH Alert Level 3 ay ang Caloocan, Mandaluyong, Manila, Marikina, Navotas, Paranaque, Pasig, Valenzuela at Pasay.
Ibigsabihin, naabot na nila ang moderate papunta sa critical risk levels na ibinase sa 50 hanggang 70 percent na occupancy rate ng kanilang intensive care unit (ICU) beds para sa mga nahawa ng sakit.
Habang inilagay sa Alert Level 4 ang Las Piñas, Muntinlupa, Pateros, Quezon City, Taguig, Malabon, Makati at San Juan.
Ibigsabihin, naabot na nito ang high to critical risk levels base sa 70 percent occupancy rate ng kanilang ospital o ICU beds.
Ayon kay Vergeire, ang mga alert level na ito ang siyang magpapaalala sa mga local government units na kailangan na nilang gumawa ng agarang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng virus.
“When you talk about Alert Level 4, you should be able to do your plans to manage the situation like expanding beds,” wika ni Vergeire.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON