December 23, 2024

DELIKADONG HAKBANG NG AIRCRAFT NG CHINA, HINDI MAKATWIRAN, RECKLESS – PBBM

Mariing kinundena ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang nangyaring air incident sa bahagi ng Bajo de Masinloc kung saan nagpakawala ng “dropped flare” ang multirole aircraft sa rutang dinaraan ng Philippine Air Force (PAF) na nagsasagawa ng routinary maritime patrol sa teritoryo ng bansa.

Nakikiisa ang Pangulo sa matatapang na personnel ng PAF.

Sinabi ng Pangulo ang aksiyon ng People’s Liberation Army – Air Force (PLAAF) ay unjustified, illegal at reckless Lalo at lumilipad ito sa sovereign air space ng Pilipinas.

Giit ng Pangulo na ngayong kumalma na sa karagatan eto na nanaman ang China at nagsasagawa ng mga delikadong aksiyon sa airspace.

Binigyang-diin ng Presidente na mananatiling committed ng Pilipinas para sa isang diplomasiya at mapayapang paraan a pag resolba sa anumang hindi pagkakaintindihan.

Nananawagan ang Pangulo sa China na maging responsible sa kanilang aksiyon sa dagat man o sa himpapawid.

” We strongly urge China to demonstrate that it is fully capable of responsible action, both in the seas and in the skies,” pahayag ng Pang. Marcos.