Pinatitiyak ni Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes sa NGCP na tapusin na ang mga proyekto nito.
Diin ni Reyes na kung tinapos lang ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang grid projects nito, ay hindi sana nangyari ang malawakang power outage sa Panay Island.
Punto pa ng mambabatas na ilan sa mga proyektong ito ay dekada na ngunit hindi pa rin natatapos.
Katunayan, ang Panay-Negros-Cebu backbone project at anim na beses nang naurong ang completion target date mula sa orihinal na petsa na December 2020.
Dapat din aniya ay naagapan at napaghandaan ng NGCP ang naturang power interruption lalo at tinamaan na rin ng blackout ang Panay Island noong Abril ng nakaraang taon.
Suportado naman ni Reyes ang ikakasang imbsetigasyon ng Kamara patungkol sa isyu na gaganapin sa Huwebes, January 11.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR